Mga Anti-Aging  Masks na Kayang-Kayang Mong Gawin sa Bahay Para Kutis Baby Palagi

Ang pagkukulubot ng balat sa mukha ay normal na proseso at mararanasan ng karamihan, partikular sa mga may edad. Ang nakakalungkot, maski hindi pa katandaan ay maaaring magkaron ng wrinkles, dala na rin ng stress, free radicals, sobrang exposure sa ultraviolet rays at toxins. Liban sa katandaan, may iba pang mga posibleng sanhi ng kulubot sa mukha, na madalas nababale-wala:

  • Paninigarilyo
  • Dehydration
  • Stress
  • Kakulangan sa nutrisyon
  • Madalas kulang sa tulog
  • Genetics
  • Walang ehersisyo

 

Dagdag pa, ang labis na paggamit ng mga kemikal ay maaring magsanhi ng wrinkles. Ngunit hindi kinakailangan ng mamahaling salon treatment, gaya ng Botox, para wrinkle-free ang ating mukha. Pagaralan ang mga anti-aging masks na maaari mong gawin sa loob ng iyong bahay:

 

 

RECIPE #1: OATMEAL MASK

Mabisa ang oatmeal mask para mabanat ang balat sa mukha at matanggal ang wrinkles.

 

Mga Kakailanganin:

  • 2 kutsarang oatmeal
  • Kalahating baso buttermilk
  • 1 tablespoon extre virgin olive oil
  • 1 tablespoon almond oil

 

Mga Dapat Gawin:

  1. Ihalo ang ang buttermilk sa oatmeal.
  2. Ilagay ang pinaghalong buttermilk at oatmeal sa kawali at painitin.
  3. Pag malambot na ang oatmeal, ihalo ang almond oil at extra virgin coconut oil.
  4. Maghilamos muna ng mukha, bago ipahid ang mixture.
  5. Panatilihin ang mask sa mukha sa loob ng 30 minuto.

Iwasang malagyan ng mixture ang mata at labi.

 

 

RECIPE #2: BANANA MASK

Mga Kakailanganin:

  • Mashed banana
  • 1 kutsara organic honey
  • 2 kutsara heavy cream
  • 1 kutsara oat flour

 

Mga Dapat Gawin:

  1. Paghaluin ang honey, oat flour, heavy cream at mashed banana.
  2. Ipahid sa mukha ang mixture.
  3. Panatilihin ang mask sa mukha sa loob ng 30 minuto.
  4. Magbanlaw gamit ang maligamgam na tubig.

 

 

RECIPE #3: EGG WHITE MASK

Napakadaling gawin nitong face mask na ito, at 2 ingredients lang ang kailangan:

  • 1 kutsara honey
  • 1 itlog na hilaw

 

Mga Dapat Gawin:

  1. Ihiwalay ang puti ng itlog at itabi ang dilaw ng itlog.
  2. Paghaluin ang honey at egg white.
  3. Ipahid sa mukha ang mixture.
  4. Panatilihin sa mukha ang mixture sa loob ng 15 minuto.
  5. Banlawan gamit ang maligamgam na tubig.

 

Liban sa pagtanggal ng kulubot sa balat, makakatulong din ang mga anti-aging masks para sa large pores at acne.

Loading...

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *