Mga Natural na Pamamaraan Para Maibalik ang Receding Gums

Ang receding gums or retracting gums ay posibleng senyales ng sakit sa ipin o sakit sa gums. Tinatawag ding gingival recesession, ang receding gums ay nangyayari kapag nagsimulang humiwalay ang gums sa crown ng ngipin. Lingid sa kaalaman ng karamihan, nagsisimula ng receding gums sa murang edad, kadalasan twing childhood o adolescense period.

 

Maraming posibleng dahil kung bakit nangyayari ang receding gums, tulad ng mga sumusunod:

 

  • Heredity
  • Hindi balanseng hormones
  • Periodontal disease
  • Kulang sa dental hygiene
  • Labis na pagsisipilyo

 

Hindi lang dental treatment ang tanging lunas para sa receding gums, may mga natural na pamamaraan para ito maiwasan ata para maibalik sa dati ang ating gum lines:

 

#1: COCONUT OIL

Naglalaman ng antimicrobial properties ang coconut oil, na sadyang mabisa laban sa receding gums. Kaya nitong puksain ang bakterya na madalas sanhi ng mga problema sa gums. Matapos magsipilyo, magmumog gamit ang coconut oil. Maaari ring gumamit ng sesame oil, kapalit ng coconut oil.

 

#2: GREEN TEA

Dahil sa sagana sa antioxidants ang green tea, isa itong mabisang lunas at pangiwas sa maraming sakit, kasama ang receding gums. Nakakabawas sa gum inflammation ang green tea at kaya ring labanan ang bakterya na dulot ng periodontal disease. Uminom lamang ng isang basong green tea sa umaga para sa teeth and gum health.

 

#3: VITAMIN C

Ang mga taong kulang sa Vitamin C ay madalas nagdurugo ang gums at may gums inflammation. Para iwas sa receding gums, maaaring mag-take ng Vitamin C supplements. Idagdag din sa pangaraw-araw na pagkain ng mga prutas at gulay na mayaman sa Vitamin C, gaya ng bell pepper at mga citrus fruits.

 

#4: ALOE VERA

Ayon sa isang pagsusuri, malaki ang tulong ng Aloe vera laban sa periodontal disease at iba pang gum problems. Maaari itong ihalo sa tubig na pangmumog at maaari ring gumamit ng mga mouth wash at toothpaste na may halong aloe vera.

 

#5: CLOVE

Malaki ang tulong ng cloves para mag-stimulate ng gum growth at mag-repair ng damaged tissues dahil sa receding gums. Ang clove oil ay may antimicrobial, antifungal, antiseptic properties. Gumamit lamang ng clove oil bilang mouthwash sa pamamagitan ng paghalo ng 5 o 6 na patak ng clove oil sa isang basong tubig.

 

 

May mga factors na hindi natin kontrolado, tulad ng heredity, ngunit kaya pa ring lunasan ang ibang sanhi ng receding gums. Gaya ng kasabihan, prevention is better than cure. Iwasan ang labis na pagsisipilyo at laging sipilyohin ang gum lines. Makakatulong din ang paggamit ng dental floss.

Loading...

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *